Iskrip ng Iisahing-yugtong Dula



Magnanakaw Kong Asawa

1st scene (Palengke)

[Namimili si Almira ng iba't ibang mga prutas at gulay sa gilid ng daan kung saan maraming bilihan ang nakapila]

Almira: Ale, magkano po yung isang kilong saging?

Ale: Limampu’t dalawang piso hija, pero singkwenta nalang para sa isang magandang dilag —

[Naputol ang pagsasalita ng Ale dahil may tatlong lalaking naghahabulan]

Lalaki #1: ALIS! ALIS!

Lalaki #2: HOY CHRISTIAN, IBALIK MO YUNG SIBUYAS KO!

 

Christian: [Tumatawa habang tumatakbo patungo sa eskinita (kung saan naroon si Almira)]

Ale: Sus, yang Christian na yan ang gwapo pero walang respeto sa kapwa. Christian nga pangalan niya, ngunit magnanakaw naman. Alam mo yung nakaraan...

[Tila nakatunganga nalang si Almira at nakangisi habang tanaw niya si Christian na tumatakbo papalayo, naramdaman niya ang pagbagal ng oras at ang katiwasayan ng paligid.]

 

Almira (aside): [Ang ilaw ay nakatuon nasa kanya]

Sa layo ng nilakbay,

Sa rami ng hinawakang kamay,

Sa labis na kasinungalingan,

sa mga pangakong nakalimutan.

 

[Titingin kay Christian si Almira]

Siya na ba, ang magbibigay saya sa aking buhay?

Ito na ba, ang pinapangarap kong tagumpay?

Tila’y nahulog ako sa kanyang walang humpay

Na lalaking matinding napaka malumanay

Kung magmahal ay abot langit saking buhay

Na para bang bato na naging mamon ni nanay.

Barumbado man at magnanakaw saking palagay

Tanggap naman kita habang buhay

Mahal na kita sa di malaman na dahilan.

Dahil kailanman ikaw din bigyan katarungan

Sa isang iglap, ika’y naging aking tahanan.

 

Lalaki #1 to Christian: Huli kana!

[Nahinto ang spotlight kay almira at nabulabog sila]

[Nakatago si Christian sa likod ng bariles, sa tabi ni Almira]

 

Almira: Manong!

Lalaki #2: Oh Almira?

Almira: Nasa Metro daw po si Christian! Kasama yung mga kaibigan niya!

Lalaki #1: Salamat hija! Oy Andeng, tara!

[Lalaki #1 at # 2 exit]

Christian: Salamat ha, dahil sayo nakatakas nanaman ako sa kanila, my life saver!

[Napatawa]

Hindi biro lang, salamat anghel ng buhay ko.

[Kumindat si Christian kay Almira]

Almira: Shh! Baka may makapansin sayo.

Christian: Ayaw mo bang mapansin tayo? Halika doon tayo sa madilim, tayo lang dalawa .

[Kumindat pa ito bago kinuha ang kamay ni Almira]

Ale: Abaa andito ka lang pala bata ka!

Ale #2: Andeng! Tawagin niyo si Andeng! Nandito lang pala si Christian!

Almira: TARA!!

[Dinukot ang kamay ni Christian at tumakbo patungo sa bahay nila Almira.]


2nd scene (Bahay ni Almira)

[Humihingal ang dalawa dahil sa kakatakbo nila galing sa pagtakas]

Christian: Ang galing mo talaga my angel! Pero...teka nga pala bakit mo ako tinutulungan?

May gusto ka ba saki—

[Natameme si Christian dahil nabighani siya sa ganda ni Almira]

[Tinali ni Almira ang kanyang mahabang buhok]

Almira: Ano nga yung pinagsasabi mo? Hindi kita narinig eh..

[Hinalikan ni Christian si Almira dahil hindi niya napigilan ang kanyang naramdaman]

Almira: Ano ba yaaan! Magnanakaw ka nga talaga, pati ba naman halik? Ikaw ba si The Flash?

Christian: Ako pa eh madiskarte yata to [nagyayabang]

Oh sige na, ayoko ng maabutan ng dilim kaya aalis na ako, salamat sa tulong mo!

 

[Niyakap niya ng mahigpit si Almira at ngumiti]

 

Almira: [Kinausap ang sarili habang niyayakap siya ni Christian]

Sana ganito na lang palagi, sana dinggin ng Panginoon ang aking mga panalangin na ika’y magbago, sana nandito ka lang sa tabi ko at ako sa ilalim ng mga yakap mo.

Lumipas ang tatlong buwan at nagkamabutihan na ang dalawa. Pabigla-bigla silang nag desisyon na                    magpakasal dahil naniniwala sila na sila ay ipinagtagpo at itinadhana para sa isa’t isa.

Christian: Almira may sasabihin ako sayo.

Almira: Ako din may gustong sabihin.

Christian: Sige ikaw muna.

Almira: Hindi, ikaw na mauna.

Christian: Ikaw na kase!

Almira: Sige  sabay na lang tayo.

[Humugot ng hininga at sabay na magsasalita]

Christian: Gusto kitang pakasalan!

Almira: Pakasal na tayo!

Almira: Talaga? Papakasalan mo ako?

[Masaya]

Christian: Oo naman! Sa lalong madaling panahon.

[Paghahanda sa kasal]

Maricris: Saan na ba yung ikakasal?! Nako ito talagang si Christian oh!

[Tinignan ang kanyang relo]

Makalipas ang ilang sandali..

Maricris: Sa wakas! Ano ka ba Christian kanina pa nag-hihintay si Father tsaka yung mga bisita! hali ka na at magsisimula na.

Christian: Hay muntikan na yun!

[Mahinang pagsabi]

Maricris: Teka saan ka ba galing eh nakahanda naman lahat yung mga gamit niyo?

Christian: Ahh may nakalimutan kasi ako sa bahay, ang ganda nga nung dyamant--, ay yung amerikana ko nakalimutan ko sa bahay..

[Sabay kamot sa kanyang ulo]

Christian: Gusto kong magbago para sa iyo. Iiwan ko na ang aking mga maling gawain. Nais kong maging mabuting tao at asawa sa iyo at sa magiging pamilya natin. Mahal kita, Almira.

Mahal na mahal. Handa na akong i-alay ang sarili ko sa'yo at makasama ka habang buhay.

 

Almira: Hindi ko inakalang magmahal ako ulit pagkatapos mamatay ang aking unang asawa. Ngunit, Christian, ipinakita mo sakin na ang pag-ibig ay walang pinipili. Binigyan ako ng ikalawang pagkakataon upang umibig muli at sumaya. Na magkaroon ng kabiyak sa buhay. Nagpapasalamat ako na nakilala kita.

Pari: You may now kiss the bride!

[Nagpalakpakan ang mga tao at aaktong maghahalikan na sila sabay patay ng ilaw]

 

Almira: Mahal, kanina pa kita napapansin. Parang nininerbyos ka. Ano bang nasa isip mo?

[Nagluluto]

Christian: Nakokonsensya ako dahil sa mga ginawa ko noon. Ang dami kong ninakaw. Pinagkaitan ko ang mga batang kalye ng pagkain. Hindi ko binigyang respeto ang mga taong marangal

na naghahanap buhay. 

Almira: You should pray. God will forgive you.

Christian: Napag-isipan ko rin yan. Gusto kong pumunta sa bundok Aminos at magdasal doon. Nais mo bang sumama?

Almira: Sige ba! Sasamahan kita.

[Exit]

[Enter Almira and Christian na nakasuot ng damit na mayroong mga hiyas.]

Christian: Mahal, napamangha mo ako sa iyong kagandahan. Di ko alam na marami ka palang dyamante, nakadagdag ito sa iyong kagandahan.

Almira: Oo naman mahal, basta pogi ang aking asawa, dapat maganda din ako.

Christian: [Napatawa] Tara mahal at maglakbay na tayo.

 

3rd scene (Bundok Aminos)

Nakarating ang mag asawa sa bundok ng Aminos pagkatapos ng kanilang paglalakbay.

Almira: Mahal, parang walang tao dito. Nakakakilabot. Balik nalang tayo bukas.

[Habang tumitingin sa paligid na parang hindi mapakali]

Christian: H’wag kang matakot, mahal. Nandito naman ako.

[Pag-aalo niya kay Almira habang hinahawakan ang kanyang kamay]

[Pumwesto ang mag-asawa at nag handa para sa pagdadasal]

Almira: Hay nako. Sige na nga, magdasal na tayo.

[Ipikit ang mga mata]

Christian: [Sinigurado kung nakapikit na ito at tumawa ng paloko]

[Nakakatakot na background music at biglaang pagdilim sa paligid]

Sa tingin mo pumunta tayo dito upang humingi ng paumanhin sa Diyos? Almira, kailan mo ba matututunan na hindi lahat may mabuting kalooban?

Almira: A-ano? Christian, a-anong nangyayari sayo?

[Pautal na nagsalita habang dahan-dahang umaatras]

Christian: Lahat ng pumupunta dito ay sinusuot ang pinakamagarbo nilang damit at nagdadala ng alay. Alam kong mayaman ka kaya niyaya kitang papunta dito sa bundok.

[Naglalakad palapit kay Almira.]

Christian: Akin na ito!

[Hablot sa bag na bitbit ni Almira at inalog ito para matiyak na laman nga ito ng mga ginto]

[Tumawa ng nakakatakot si Christian habang masayang niyayakap ang bag na puno ng mga ginto]

Almira: Mahal? Ano’ng pinagsasabi mo? Akala ko mahal mo ako?

[Naiiyak na sabi niya habang hindi mawari kung ano ang gagawin niya]

Christian:  Akala ko'y mayaman ka lang, ngunit napakayaman pala! Salamat at sinuot mo ang iyong napakalaking dyamante ngayon. Akin na rin yan!

Almira: Kung ganon, anong gagawin mo sa akin pagkatapos mo akong nakawan? Gamit ang aking kayamanan, pwede kitang ipahuli sa mga pulis.

[Tila nakabawi na sa pag-iyak]

Christian: Hay, aking asawa.

[Ngumiti ng paloko at natatawa]

Almira: Hi-hindi mo ako pwedeng patayin!

[Humakbang ulit ng paatras.]

Christian: Ibigay mo na ang mga dyamante Almira! Kung ayaw mong magkasakitan pa tayo dito!!

[Habang palapit kay Almira]

[Patuloy sa paghakbang ng maikli si Almira paatras habang palapit naman si Christian. Napagtanto ni Almira na hindi siya makakatakas kaya tinitigan niya si Christian habang nag-iisip sa kanyang gagawin]

[Tumigil din sa paghakbang si Christian at tila naghihintay sa gagawin sa kanyang asawa pero inilahad niya ang kanyang kamay, hudyat ng paghihingi sa mga dyamante nito]

Almira: [Bumuntong hinga, at nakatitig kay Christian]

Kung ganoon, asawa ko, pwede bang magdasal muna ako sa huling pagkakataon? H’wag mo naman akong pagkaitan nito.

Christian: Dalian mo!

[Malapit nang mainip]

[Naglakad si Almira sa dulo ng bundok at lumuhod para mag-dasal. Sumunod naman sa kanya si Christian pero nakatayo lamang ito sa likod gilid ni Almira]

Christian: Tapos kana?

[Nasasabik sa dyamante na kanyang makukuha]

[Tumugtog ang romantiko na musika sa background]

Almira: Mahal na mahal kita. Bago mo ako patayin, maaari ba kitang mayakap sa huling pagkakataon?

[Naiiyak na sabi niya habang nakatitig kay Christian]

Christian: Sige.

[Habang napipilitang yumapos kay Almira]

[Nagyakapan ang mag-asawa habang nakatayo sa gilid ng bundok.]

Almira: Parang nakalimutan mo Christian, na pinatay ko ang aking unang asawa upang makuha ang kanyang kayamanan.

                [Bulong niya habang ngumiti ng paloko sabay tulak kay Christian sa gilid ng bundok.]


Mga Komento