Kung babalikan natin ang mga karanasan naming mga manunulat sa paggawa ng isang akda, sisimulan namin sa mga kaisipang napagahanin dahil sa mga maraming ideya na naisip. Hindi naging madali ang paggawa ng isang akda dahil marami ang dapat na isaalang-alang upang makabuo ng isang magandang akda, ito may sa paraan ng pa tula, paggawa ng maikling kwento, pagbuo ng iskrip ng dula at panghuli ay itong blog. Malaking tulong ang pagkakaroon ng kooperatiba na mga kagrupo dahil mas naging madali at maayos ang paggawa ng isang akda. Nakakatulong ang bawat miyembro ng grupo na punan ang mga kamalian sa nagawang akda at gawin itong mas makabulughan at kaaya-aya sa mga mambabasa.
Bilang mga mag-aaral, marami kaming mga napagtanto pagkatapos ng lahat ng akda na aming nagawa. Napagtanto namin ang kahalagahan ng panitikan sa buhay nating mga pilipino. Ang panitikan ay nagsisilbing tulay upang mapaunlad ang sariling atin. Sa simpleng paraan ng paggawa ng isang tula at pagmungkahi nito sa ibang tao ay malaking daan upang mas lumawak at magkaroon ng intidihan sa mga pagkakaiba nating mga tao na iba't-iba ang kinagisnan. Hindi lamang sa aspekto ng pagunlad ng ating kultura ang halaga ng panitikang pilipino, kundi ito din ang nagsisilbing tulay upang maipahiwatig natin ang ating mga opinyon, damdamin at pananaw sa isang partikular na bagay na maaari nating ipahayag sa mga mambabasa o manunuod sa paraan ng paggawa ng isang akda.
Bilang magka-grupo, mayroong parte sa paggawa ng blog na medyo nahihirapan kami, ito ay ang pang komunika dahil palaging may interapsyon sa koneksyon ng internet. Ngunit dahil sa pagtutulungan, natapos pa rin namin ang gawaing ito bago paman ang araw ng pasahan. Sa kabuuan, napagtanto namin na hindi madali ang buhay ng isang manunulat, maraming pagdaraanan at kung walang sigasig at determinasyon ay magiging impossible ang tagumpay. Kaya't palagi namin isinasaisip ang katuparan at tagumpay ng aming plano sa paggawa ng blog na ito. Naging makabulughan rin ang panitikang Pilipino para sa aming mga manunulat dahil naiintindihan na namin ang mga proseso kung paano ito gagawin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento